CAGAYAN DE ORO CITY – Huhulihin at kakasuhan ng pulisya ang mga opisyal at miyembro ng Kapa Community Ministry International Inc. na magtangkang muling mag-operate sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Ito ang naging banta ni Gingoog City Police director Lt. Col. Ariel Philip Pontillas sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Pontillas, mahigpit nilang minamanmanan ang mga kasapi ng KAPA matapos nilang napasara ang tanggapan nito sa nasabing lungsod.
Hinikayat din ni Pontillas ang mga KAPA victim na dumulog sa kanilang tanggapan kung gusto nilang magsampa ng kaso at makuha ang kanilang pera na naidonar sa nasabing organisasyon.
Maraming miyembro ng KAPA sa Gingoog City ang nagalit matapos ipasara ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga tanggapan nito dahil malabo na nilang makuha ang kanilang pera.