Sinimulan nang talakayin ng Pilipinas at Vietnam ang proposed Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Vietnam Coast Guard na naging magka-alyado na mula pa noong taong 2018.
Ito ay sa kasagsagan ng naging courtesy visit ni Republic of Vietnam’s Standing Deputy Minister of Foreign Affairs, Nguyen Minh Vu kasama ang kaniyang delegasyon na kinabibilangan ni Vietnam Ambassador to the Philippines, Dr. Lai Thai Binh, at iba pang mga kinatawan ng Philippine Embassy in Vietnam sa National Headquarters ng PCG sa Port Area, Manila ngayong araw kung saan mainit silang sinalubong ni PCG Deputy Commandant for Administration, Vice Admiral Allan Victor Dela Vega.
Sa naging pagpupulong ng naturang mga opisyal ay tinalakay ng mga ito ang ilang mga usapin kabilang na ang nilalaman ng proposed Memorandum of Understanding ng PCG at VCG.
Layunin nito na mas paigtingin pa ang strategic partnership at cooperation sa pagitan ng mga coast guard ng Pilipinas at Vietnam tungo sa promotion, preservation, at protection ng mutual interest ng magkabilang panig pahinggil sa Southeast Asian region.
Samantala, kasabay nito ay nagbigay din ng comprehensive briefing ang PCG sa Vietnamese delegation tungkol sa kasalukuyang engagement at maritime security operations ng kanilang hanay sa West Philippine Sea.