-- Advertisements --
Pinangunahan ng Korean community sa bansa ang memorial service para sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo na pinatay sa loob mismo ng Kampo Crame.
Alas-3:00 ng hapon kanina ng magsimula ang service na dinaluhan ng South Korean Ambassador to the Philippines Jae-Shin KIM at mga lider ng iba’t ibang Korean communities na nasa bansa.
Dumalo rin sa memorial service si PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa at si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Nagpalipad ng puting lobo at nag-alay ng panalangin ang nasa 10 mga empleyado ng kompaniya ni Jee Ick Joo na nanggaling pa sa Angeles, Pampanga.
“Tatang” ang tawag ng mga empleyado kay Joo na sya namang nakasulat sa pinalipad nilang lobo.