-- Advertisements --
Binigyan umano ng permiso ng Memphis Grizzlies ang mga kinatawan ni Dwight Howard na makipag-usap sa ibang NBA teams na interesadong kumuha rito.
Isa umano sa nakatakdang kausapin ng kampo ng beteranong sentro ay ang Los Angeles Lakers.
Naghahanap daw kasi ng options ngayon ang Lakers matapos ang injury ng kanilang bagong nakuha na si DeMarcus Cousins na dumaranas ng torn ACL.
Lumutang ngayon ang isyu na naghahanap ng bagong kapalit ang Lakers lalo na at papalapit ang Oktubre para sa bagong season.
Kung maalala naglaro na rin ng isang season si Howard sa Lakers noong 2012 pero bumitaw din ito para sa Rockets nang magkaroon ng free agency.