KORONADAL CITY – Mahigpit na ipinagbabawal sa ngayon ang pagdadala ng long fire arms o anumang uri ng baril sa South Cotabato provincial capitol compound.
Ito ang inihayag ni Chief Eleuterio B. Nodado ng Provincial Security Unit sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Nodado, maging ang mga pulis, sundalo o lahat ng men in u uniform mapa-opisyal o escort man at di papayagang mag bitbit ng baril. Dagdag pa nito, ang mga issued firearm ng mga ito ay kailangan na ay e-deposit sa gate ng kapitolyo.
Napag-alaman na ang ilnasabing direktiba ay mula kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na siya ring national president ng League of the Provinces of the Philippines o LPP.
Ayon sa gobernador layon nito na hindi na maulit pa ang nangyari kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na pinaslang ng mga naka-full battle gear na mga salarin.
Ngunit, nilinaw ng gobernador na walang opisyal sa South Cotabato na may threat sa kasalukuyan.
Gayunpaman ibinunyag nito na may ilang mga local chief executives sa probinsiya na mataas ang threat assessment kaya kailangan ang ibayong pagiingat.
Napag-alaman na ang paghigpit ng seguridad ay epektibo na sa lahat na mga local government offices kung saan ito ay napag-usapan rin sa ay pagpupulong ng LPP at PNP officials.
Samantala, nanawagan si Nodado na maging ang mga empleyado at ordinaryong mamamayan ay hinahanapan din ng ID ng mga on-duty na provincial security unit bago makapasok sa kapitolyo.