-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Natupok ang dalawang kabahayan matapos ang nangyaring sunog sa Brgy. Silad Villaba, Leyte.
Ayon kay FO2 Alfred Nartea, fire investigator ng Villaba Fire Station, nag-umpisa ang naturang sunog sa bahay na pagmamay-ari ng isang Nilo Latoy.
Batay sa kanilang paunang imbestigasyon, nag-ugat ang naturang insidente matapos na magpumilit ang naturang anak na humingi ng pera sa kaniyang ina pero bigo itong mabigyan.
Dahil dito kumuha ang 16-anyos na binatilyo ng posporo at sinindihan ang kanilang kurtina.
Mabilis namang kumalat ang apoy dahil sa gawa lamang sa light materials ang kanilang bahay.
Napag-alamang may problema sa pag-iisip ang naturang menor de edad.
Umaabot naman sa P100,000 ang kabuang danyos mula sa naturang insidente.