-- Advertisements --
BUTUAN CITY- Nilinaw ni Maj. Rodulfo Cordero Jr ang Chief public Affairs ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kung saan sa ngayon nasa kamay na ng mga magulang ang na-rescue nilang menor de edad habang isinagawa ang operasyon nga militar sa bahagi ng Barangay Mabuhay, Prosperidad Agusan del Sur noong Hunyo 14 matapos itong mahuli ng mga tropa ng militar sa mismong encounter area ng mga NPA.
Ayon kay Maj. Cordero na hindi umano nila ito inaresto dahil nakita nila na mayroong trauma na ang menor de edad kaya dali nila itong dinala sa police station ng Prosperidad ug nai-turn over sa DSWD.
Aniya nabigyan pa nga ito ng tulong ng gobyerno.