-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpasaklolo sa Bombo Radyo ang pamilya ng isang menor de edad matapos sampalin umano ng isang police officer sa bayan ng Leganes, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay alyas “Ella,” sinabi nito na dinakip ng mga miyembro ng Leganes Municipal Police Station ang kanyang 17-anyos na anak na si “Makmak” kasama ang dalawa pa niyang mga kaibigan na pawang menor de edad matapos napagkamalang nagnakaw umano ng tatlong printer sa munisipyo.

Ayon kay Ella, dinala sa police station ang tatlong menor de edad at dito na sinampal ng pulis ang kanyang anak.

Samantala, itinanggi naman ni PLt. Ryan Orleans, deputy chief of police ng Leganes Municipal Police Station, na may pananampal na nangyari.

Sa ngayon, patuloy pa na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.