-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Patay ang isang menor de edad matapos malunod sa isang talon sa Camp 6, Brgy. Camp 4 ,Tuba Benguet kahapon.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kasama ng 14-anyos na biktima ang kaibigan nitong kapwa menor de edad na naligo sa talon.
Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paliligo, napansin ng kasama ng biktima na nalulunod na ito kaya agad siyang humingi ng saklolo.
Agad rumisponde ang ilang concerned citizens at itinakbo ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival.
Dahil sa nangyaring insidente, plano ng lokal na pamahalaan ng Tuba at ng pulisya na maglagay ng babala sa naturang lugar upang maiwasan ang karagdagang insidente ng pagkalunod.