-- Advertisements --

Patay na nang natagpuan ang menor de edad na lalaki matapos diumano nag-suicide sa bayan ng Panit-an probinysa ng Capiz.

Sa imbestigasyon ni PSSG Dale Daliva ng Panitan Municipal Police Station, alas 9:00 ng umaga natagpuan ng kapatid ng lalaki na nakabitay ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Problema sa pag-ibig ang tinitingnan na motibo sa pagkitil nito ng sariling buhay.

Itinakbo pa sa Bailan District Hospital ang menor de edad pero ito ay idineklarang dead on arrival ng doktor.