-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang menor de edad matapos umanong maapakan ng inaalagaan nitong kalabaw sa Brgy. San Blas, Pilar Capiz.

Ang biktima ay isang lalaki at may edad na labing isang taong gulang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay PMAJ. Alfred De Leon hepe sang Pilar Municipal Police Station sinabi nito na nangyari umano ang insidente alas dos ng hapon kung saan napag-alaman na sinasakyan umano ng biktima ang nasabing hayop ng bigla nalang itong nag-amok kadahilanan upang mahulog ang biktima at maapakan ng kalabaw.

Dali-dali namang dinala ang biktima sa ospital, ngunit kalaunan ay binawian din ito ng buhay. Lumalabas naman sa resulta ng x-ray ng biktima na nabali ang tadyang nito at nadamage din ang kanyang ilang mga internal organs. Sa ngayon ay nasa purenarya ang bangkay ng biktima.