-- Advertisements --
St. Paul Cathedral was built in late 17th century and is one of the most recognisable tourist sights in London.

Itinuturing na hindi kahina-hinala ng mga otoridad ang pagkamatay ng isang binatang sa loob ng Whispering Gallery sa St. Paul Cathedral.

Ayon sa imbestigasyon ng City of London Police, nahulog umano mula sa mataas na bahagi ng cathedral ang biktima.

Ang Whispering gallery ay may taas na 30 meters o 98 feet. Kailangan din umakyat sa 257 steps na hagdan ang mga turistang bumibisita rito.

Nagpahayag naman ang namumuno ng cathedral na isasara muna nila pansamantala ang gusali at magbubukas muli bukas ng umaga.

Noong 2017, namatay din sa parehong gusali si Lidia Dragescu, 23-anyos, at isang talented figure skater.