-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos malunod sa pinaliliguang ilog sa Sitio Balud, Barangay Duyoc, Roxas City.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay residente rin ng naturang lugar.

Nabatid na may ilang kasamahan umano ang biktima naligo sa naturang ilog habang naglalaba ang kanilang tiyahin.

Aahon na sana ang biktima mula sa ilog nang nadulas ito at inanod ng malakas na current ng tubig.

Unang na-rescue ang ilang kasamahan nito at natagalan pa bago nakita ang namatay na biktima.

Sinubukan pa itong ma-revive bago dinala sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.