-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos na aksidenteng mahulog mula sa sinasakyan nitong bangka at mapatama pa sa elisi nito sa karagatang sakop ng Brgy. Bagong Silang, Perez, Quezon.

Kinilala ang biktim na isang 14-anyos na estudyante, residente ng Brgy. Pagkakaisa, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na mismong ang ama ng biktima na kinilalang si Loreto Pelin, 49-anyos, ang nagreport sa Perez Municipal Police Station hinggil sa nangyari sa kanyang anak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na habang sakay ng isang bangka ang biktima mula sa picnic na inooperate ni Jomar Rodelas, kasama ang dalawang iba pa ng aksidente itong mahulog sa tubig at mapatama pa sa elisi ng nasabin bangka.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit tuluyan rin itong binaian ng buhay habang ginagamot ito sa ospital.

Sa ngayon, nagkasundo naman na umano ang dalawang panig na iareglo na lamang ang nasabing kaso.