VIGAN CITY – Patay ang isang menor de edad dahil sa pagkakabangga nito sa isang barikada sa Brgy. Macabiag, Sinait, Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Police Chief Master Sergeant Danny Maligsay ng Sinait Municipal Police Station, sinasabing mabilis ang takbo ng driver na si Cris Tumbaga, 17-anyos, grade-10 student na residente ng Vrgy. Paratong, Sinait habang nagmamaneho ng motorsiklo ng biglang nabangga nito ang warning sign o ang barikada na inilagay ng isang telecommunications company dahil sa isang manhole.
Aniya, hindi lamang sa bakida ngunit pagkatapos nitong nabangga ay sumunod pa itong naibangga sa tricycle na nakaparada na dahilan ng pagkakasugat nito sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Naidala sa Corpuz Clinic and Hospital ang biktima ngunit ng ita-tranfer na sana ay hindi na nito nakayanan dahil sa tinamong sugat.
Sinabi naman ni Maligsay na pinaniniwalaang nakainom ng alak ang biktima noong nangyari ang aksidente at hindi pa umano ito gumamit ng helmet.
Gayunman, nagpaalala ang PNP sa publiko na huwag magmamaneho ng hindi lisensyado at kung sakaling may lisensya ay siguruhing gumagamit ng helmet.