-- Advertisements --

La Union – Dead on arrival sa Balaoan District Hospital ang isang menor de edad matapos na magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Butubut Oeste, Balaoan, La Union kahapon.

Nakilala ang namatay na biktima na si Kyla Fable y Flores, 4 anyos, residente ng Barangay Nalvo Norte, Luna, La Union.

Base sa police report, nakatanggap ng tawag ang Balaoan Police Station kaugnay sa nangyaring vehicular traffic incident sa kahabaan ng Balaoan-Santol road sa Barangay Butubut Oeste na kinasangkutan ng motoriklo na kulay itim at pula na minaneho ni Joseph Flores, nasa tamang edad, binata, construction worker, residente ng Barangay Nalvo Norte, backride nito ang namatay na bitima at ang motorsiklo na kulay pula na minaneho naman ni Daniel Javier, 31 anyos, may asawa, corn technician, at residente ng Barangay Bigbiga, Sudipen, La Union.

Kapwa umano patungo sa kanluran direksyon ang dalawang sasakyan nang mangyari ang aksidente na kinasangkutan ng biktima na idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Cecile Faye L. Perdigon.

Napag-alaman na walang suot na helmet ang driver na si Flores at kapwa umano nasa impluwensya ng alak ang dalawang driver ng nagkabanggaan sasakyan.

Maganda ang panahon ng mangyari ang banggaan ng dalawang sasakyan.

Samantala, inaantabayanan ang resulta ng CCTV footage sa pinangyarihan ng aksidente upang malaman ang puno’t dulo ng banggaan ng dalawang sasakyan na ikinamatay ng menor de edad.