-- Advertisements --

NAGA CITY- Arestado ang isang menor de edad matapos umanong kikilan ang isang indibidwal mula sa Ocampo, Camarines Sur.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt Raymund Paaño ng Ocampo-PNP, sinabi nitong humingi ng tulong sa kanila ang biktima dahil sa umano’y pananakot at pangingikil ng suspek na nag-aaral sa Naga City.

Napag-alaman na na-hacked ng suspect ang facebook acount ng biktima na sinasabing may mga private pictures at videos, na ginagamit umanong panakot ng suspek.

Nagbanta pa umano itong ilalabas ang naturang mga larawan at video kung hindi sakanya magpapdala ng P5,000 ang biktima.

Kaugnay nito, agad na nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad kung saan huli sa aktong kinukuha ng suspect ang ipinadalang pera ng mga pulis sa isang money trasfer sa lungsod.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Department of Social Welfate and Development (DSWD) ang suspect para sa karampatang disposisyon.