-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Nananatili ngayon sa ospital ang isang menor de edad matapos aksidenteng masabugan ng bala ng M203 grenade launcher sa Brgy. Rombang, Laoang, Northern Samar.
Ayon kay Pol. Lt. Nelson Lapeciros, chief of police ng Laoang Municipal Police Station, habang naglalaro ang 16 anyos na bata kasama ang isa pang menor de edad sa isang ilog ay may nakita silang bag na may lamang bala.
Hindi daw alam ng mga biktima kung ano ang laman nito kaya’t pinaglaruan nila ito at inihagis- hagis dahilan para pumutok ito.
Nag-angkin ng malubhang sugat ang 16 anyos na paslit habang maayos na ang kalagayan ng kanyang kalaro.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad kung kanino at saan nanggaling ang bag na inilagay sa tabi ng ilog.