-- Advertisements --

Nakapagtala ng bagong Philippine record ang koponan nina Luke Gebbie, Jean-Pierre Khouzam, Jarod Hatch at Satcho Ilustre para sa men’s 4x100m relay.

Inuwi ng Pinoy swimmers ang silver medal para sa nasabing event kung saan nakakuha ang mga ito ng record time na 3:22.32.

Ito ay mas mabilis sa naunang Philippine record na 3:24.35.

Gayunpaman, tila kinapos pa rin ang apat upang mabingwit ang gintong medalya mula sa Singapore sa kanilang record time na 3:16.02. Mas mabilis naman ito sa SEA Games record time na 3:17.82.

Bronze medal naman ang naiuwi ng Vietnam (3:22.46).