-- Advertisements --
Nakatikim ng unang pagkatalo ang Philippine men’s floorball sa kamay ng Thailand 14-4 sa nagpapatuloy Southeast Asian Games.
Sa unang period pa lamang ng laro ay nakapagtala ng isang goal ang Filipinos habang 11 goals agad ang nagawa ng mga Thailands.
Hindi naman umubra ang homecourt advantage ng bansa dahil sa matinding laro na ipinamalas ng Thailand.
Susunod na makakaharap ng Pilipinas ay ang Singapore sa Huwebes na gaganapin muli sa UP College of Human Kinetics Gym.