-- Advertisements --

Tuluyan ng natanggal sa FIFA World Cup Qualifiers ang Men’s Football team ng bansa.

Naging masaklap kasi ang pagkatalo nila laban sa Vietnam sa score na 3-2 sa laro na ginanap sa Hanoi.

Dahil sa pagkatalo ay opisyal ng eliminated ang Pilipinas sa FIFA World Cup 2026 bunsod ng isang puntos lamang ang kanilang nakuha sa limang laro ng Group F.

Habang ang Vietnam na mayroong anim na puntos at may dalawang panalo at tatlong talo ay target na makakuha ng lugar sa third round ng World Cup qualifiers.