-- Advertisements --

Muling makakaharap ng Philippine men’s football team ang Vietnam at Indonesia sa World Cup Qualifiers.

Kabilang sa Group F ang Pilipinas kasama rin ang Myanmar at Laos.

Isinagawa ang pag-draw ng mga koponan nitong araw ng Martes sa Hanoi, Vietnam.

Magsisimula ang Asean Championship mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 21.

Umaasa ang men’s football team ng bansa na makabalik sa semifinals matapos ang nakakadismayang pagkatanggal noong 2022 at 2022.