-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan.

Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand.

Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto.

Nagkampeon sa torneo ang host country habang pangalawa ang Syria.

Sinabi ni Capellas na sa mga darating na laban ng koponan ay titiyakin niyang magiging mas malakas na pa sila.