-- Advertisements --

Itinialaga si Philippine football legend Norman Fegidero bilang interim coach ng men’s team matapos ang pag-alis ni Tom Sainfiet bilang coach.

Hiniling kasi ng Belgian na si Sainfiet na lumipat na sa bansang Mali matapos ang pagiging coach nito mula noong buwan ng Pebrero.

Sa pamumuno nito ay apat na beses na natalo ang men’s football team sa FIFA World Cup Qualifiers.

Ang 51-anyos na si Saintfiet ay napili ng Mali Football Federation na siyang magiging head coach nila sa qualification campaign sa 2025 Total Energies Africa Cup of Nations.

Dahil dito ay si Fegidero na ang magiging coach ng men’s football team sa pagsisimula ng 2024 Merdeka Cup sa Kuala Lumpur, Malaysia sa buwan ng Setyembre.

Nagpahayag naman si Mark Torcaso, ang head coach ng women’s national football team na tutulong kasama ang ilang assitant nito.