-- Advertisements --

Naging masaklap ang kampanya ng men’s national football team ng bansa sa FIFA World Cup 2026 qualifiers.

Ito ay matapos na talunin sila ng Indonesia 2-0 sa laro na ginanap sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Dahil dito ay abanse na ang Indonesia sa susunod na round ng World Cup Qualifiers.

Nakatiyak na rin ng puwesto ang Indonesia sa 2027 AFC Asian Cup sa Saudi Arabia matapos na pumangalawa sa Group F kasunod ng Iraq.

Nagtapos lamang ang Pilipinas sa qualifiers ng isang puntos sa anim na laro sa pamamagitan ng 1-1 na draw laban sa Indonesia noong Nobyembre ng nakaraang taon na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Bigo na makakuha ang Pilipinas sa FIFA World Cup matapos ang 3-2 na pagkatalo sa Vietnam noong nakaraang linggo.

Makakapaglaro pa rin sila sa third round ng qualifers ng 2027 AFC Asian Cup.