Patuloy ang ginagawang paghahanda ngayon ng Philippine Men’s Football Team ng bansa para sa ikatlong round ng 2027 AFC Asian Cup Qualifiers.
Makakaharap nila ang bansang Maldives sa darating na Marso 25 na gaganapin sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac.
Kabilang sa idinagdag sa koponan ng 24-man squad ay sina Randy Schneider at Josef Baccay.
Naging bahagi na ang dalawa sa semifinals ng Asean Mitsubishi Electric Cup.
Si Schneider ay naglalaro bilang midfield position kung saan ang ama nito ay isang Swiss habang Pinay ang ina nito.
Habang si Baccay na defender ay Pinoy ang ama at Norweigan ang ina na kapwa 23-anyos ang mga ito.
Naniniwala ang koponan na sa mga listahan ng mga bagong manlalaro ganun din ang homecourt advantage ay mapagwawagian nila ang nasabing laban.