-- Advertisements --

Humihingi ngayon ng suporta ang Philippine Men’s Football Team sa mga Filipino fans na panoorin ang kanilang pagsabak laban sa Vietnam para sa Mitsubishi Electric Cup 2024.

Gaganapin ito mamayang alas-9 ng gabi sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Ayon sa Philippine Football Federation na para mas dumami ang manonood ng kanilang laro ay pinamura na nila ang tickets.

Magiging P120 na lahat ang tickets para sa nasabing laban mens’ football team ng bansa.

Bukod pa dito ay hiniling nila sa mga fans na dapat ay magsuot ng kulay asul bilang pagbibigay suporta sa koponan.

Magugunitang kapwa nagtapos sa 1-1 draw ang magkasunod na laban ng Men’s football team laban sa Myanmar at sa Laos.

Nasa unang puwesto ang bansa sa Group B kung saan target nilang talunin ang Vietnam para mas lalong lumayo ang kanilang puntos.