-- Advertisements --

Nabigo ang Men’s Football Team sa host country na Malaysia 2-1 sa pagsisimula ng Merdeka Cup.

Tanging si Jefferson Tabinas ang nagtala ng goal sa loob ng 27 minuto.

Nabigyan naman ng yellow card si Sandro Reyes matapos ang pagrereklamo nito sa referee ukol sa hindi pagbibigay ng penalty kick.

Ito ang unang laro ng men’s football team sa pamumuno ng bagong coach na si Norman Fegidero matapos na lumipat sa Mali ang coach nila na si Tom Saintfietl.

Kasama rin sa coaching staff si Mark Torcaso ng women’s football team.

Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Tajikistan para sa third place match sa araw ng Linggo.

Una ng natalo kasi ang Tajikistan sa Lebanon 1-0.