-- Advertisements --

Tiwala ang Philippine Football Federation (PFF) na magiging matagumpay ang men’s football team ng nating bansa ilang araw bago ang pagsisimula ng Mitsubishi Electric Cup.

Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) director for national teams Freddy Gonzales, na matapos ang paglabas ng pangalan ng 26 line-up para torneo ay agad silang nagsimulang mag-ensayo.

Aminado ito na hindi man sila ang nasa unang pinagpilian ay nasala naman ang mga ito base sa kanilang mga performance sa kani-kanilang club.

Magugunitang nababahala si Gonzalesa dahil sa hirap silang maipaalam sa kani-kanilang mga mothers club ang mga pangunahing manlalaro ng koponan.

Unang makakaharap kasi nila ay ang Myanmar sa Disyembre 12 na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium habang sa Disyembre 18 naman ay makakalaban nila ang Vietnam sa parehas din na venue.

Bukod sa mga laro sa Pilipinas ay sasabak din ang mga ito sa La National Stadium sa Disyembre 15 na makakalaban ang bansang Laos habang sa Disyembre 21 ay ang bansang Indonesia.