-- Advertisements --

Nakatuon ang atensiyon ni Philippine Men’s National Football Team coach Albert Capellas sa pagbuo ng mas maliksing ng mga manlalaro ng bansa.

Sa mahigit na dalawang linggo bilang bagong head coach ay pinag-aaralan niya ang mga posibleng pagkakaroon ng pagdagdag ng mga manlalaro.

Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang pag-ensayo ganun din ang mga pagkakaroon ng mga exhibition game sa iba’t-ibang college football ng bansa.

Magugunitang ipinalit ang 56-anyos na Spanish coach kay Tom Saintfiet na bumaba sa puwesto noong Agosto matapos ang paglahok ng men’s football team ng bansa noong Merdeka Cup sa Malaysia.

Si Capellas ay Spanish UEFA Pro License Coach na mayroong 33-taon na coaching experience kabilang ang pagiging coach ng FC Barcelona.