-- Advertisements --

Nagtapos lamang sa pang-apat na puwesto ang Philippine Men’s national Football team sa 2024 Merdeka Cup.

Kasunod ito sa pagkatalo nila dahil sa penalty shootout mula sa Tajikistan.

Umabot lamang sa 0-0 sa regulations ang Filipino strikers laban sa world-ranked 103 .

Subalit dahil kay Alisher Shukorov ay naitala nila ang 4-3 na panalo para sa Tajiks sa shootout.

Kahit na bigo ay hanga pa rin si Pilipino goalkeeper Kevin Mendoza sa mga kasamahan niya dahil sa gumana ang kanilang playing style.

Susunod na sasabak ang koponan sa King’s Cup sa Thailand mula Oktubre 7 hanggang 15, 2024.