Humingi ng suporta ngayon ang Men’s National Football team ng bansa para sa laban nila ngayong araw kontra sa Maldives.
Gaganapin ang laro mamayang gabi sa New Clark City Athletic Stadium sa lungsod ng Tarlac bilang opening qualifiers ng AFC Asian Cup 2027.
Itinuturing ng PMNFT ang laro bilang crucial dahil sa tanging ang group winner ang makaka-abanse na sa continental tournament.
Target din ng Men’s national football team ng bansa na muling makapasok sa torneo na ang una ay noong 2019.
Bukod sa mga binagong line ups ay mayroon na ring bagong assistant coach na si Carles Cuadrat.
Naging hamon sa Pilipinas ang AFC Asian Cup 2027 dahil sa ikalawang round ng 2026 FIFA World Cup-AFC ASian Cup joint qualifiers ay nagtapos sa huling puwesto ng Group F ang Pilipinas kaya bigo silang maka-usad sa World Cup contention.
Naglalaro ngayon ang Pilipinas sa Group A para sa third round qualifiers ng Asian Cup kasama sa grupo ang Maldives, Tajikistan at Timor-Leste.
Pagkatapos ng Maldives ay susunod na laban nila ay ang Tajikistan sa darating na Marso 31.