-- Advertisements --

Inamin ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na nagdudulot na ng abala at takot ang pananatili ng pulis sa Buhangin, Davao City, partikular na sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Binigyang diin niya na kung paanong ang kapulisan pa umano ang nagiging sanhi ng takot at pangamba sa mga miyembro ng KOJC, ganun din ang epekto nito sa ibang mga residente.

Hiniling din ng alkalde na mabigyang linaw at masagot ang mga tanong nila sa hindi umano makataong paggamit ng labis na puwersa ng pulisya sa paghahain ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa iba pang mga akusado.

Nabatid na 13 araw na mula nang mag-deploy ang PNP ng mga tauhan sa loob at labas ng lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng akusadong religious leader.