Nilinaw ng ilang opisyal ng administrasyon na walang iniaatras si US President Donald Trump na sanction na unang ipinataw sa North Korea.
Una rito kahapon ay nagdulot nang kalituhan ang twitter message nito nang lumabas ang mensahe na “additional large-scale sanctions.”
Sa akala ng marami ito ay may kaugnayan sa hakbang ng Treasury Department para i-blacklist ang dalawang China-based shipping companies na hinihinalang nagsasagawa nang iligal na pakikipagkalakalan sa NoKor.
Nilinaw naman ng ilang opisyal ang tinutukoy daw ay ang “future sanctions.”
Naglabas naman ng statement ang US Treasury na nagsasabing umaksiyon na sila dahil ang ilang kompaniya aniya ay tinulungan pa ang North Korea na makaiwas sa international at US sanctions halimbawa na lamang ang pag-export ng coal.
Matapos ang anunsiyo lumabas naman ang isyu na ang North Korea ay umatras na sa inter-Korean liaison office.
Ang liaison office ay makikita sa North Korean border city ng Kaesong.
Ito sana ang unang pagkakataon na regular na may ugnayan ang dalawang magkaribal na bansa mula noong Korean War.