-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dahil sa nakakabahalang pagtaas ng kaso ng may mga problema sa kalusugang pangkaisipan, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang Mental Health Helpline para sa lahat ng mga Cotabateños.

Sa datos ng World Health Organization noong 2017, pangatlo ang Mental health sa pinakakaraniwang sakit sa ating bansa at abot sa 2,100 na mga Cotabateños ang rehistradong nakakaranas nito.

Sa pangunguna ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) matagumpay na inilunsad ang nasabing programa kung saan layunin nitong mabigyan ng solusyon ang mga kabataang may depression, anxiety at ilan pang mga problema na may kinalaman sa kalusugang pangkaisipan. Kabilang ang programang ito sa prayoridad ni Governor Mendoza.

Ang Mental Health Helpline ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes 8am-5pm sa numerong 09815000885.