CENTRAL MINDANAO- Hindi dapat ipagwalang bahala ang mental health o kalusugang pangkaisipan lalo na sa panahon ng pandemiya.
Ito ang sinabi ni Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza kaugnay ng pagdiriwang ng National Mental Health Consciousness Week mula Oktubre 12-18 , 2020.
Ayon sa Bise Gobernadora, sensitibo ang kasalukuyang panahon kung saan nanalasa ang Covid19 kung kaya’t kailangang maayos ang emotional, psychological, at social well-being o kalagayan ng isang tao.
Apektado raw kasi ng iba’t-ibang problema ang karamihan dahil na rin sa pangambang dulot ng Covid19 kung kaya’t dapat pagtuunan ng pansin ang mental health.
Kaugnay nito hinimok ni VG Talino-Mendoza ang bawat sektor na magtulungan upang kahit papano ay maibsan ang stress at depression dulot ng pandemiya at iba pang suliranin.
Makabubuti rin daw ang pagiging bukas ang isipan at pag-usapan ang anumang bigat o problemang dala-dala ng sa ganon ay gumaan ang kaisipan ng bawat isa.
Nais din niya na sa kabila ng nararanasang pandemiya ayc maging instrumento pa rin ang bawat isa sa pagtamo ng maayos at malusog na kaisipan.