Handang umagapay ng buong araw o 24/7 ang tanggapan ng Taguig Local Government Unit partikular na ang Taguig Mental Health Teleconsultation, upang magbigay ng serbisyo hinggil sa mental health ng publiko.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, bukas ito mula Lunes hanggang Linggo sa kahit anong oras ng pangangailangan ng mga tao lalo na ng kanilang mga residente.
Maaari naman daw tumawag sa kanilang numbero na 0929-521-8373 mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi habang mula 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga ay sa 0967-039-3456 na maaaring magdial o tumawag.
Dito ay kakausapin daw ang mga tatawag ng kanilang mga psychometrician, upang ma-schedule ang mga ito sa isang psychiatrist, psychologist o sa trained physician.
Bukod sa nabangit ay maaari rin tumawag ang mga ito sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline at sumangguni lamang sa numerong 1553 o pumunta sa kanilang website kung may iba pang katanungan at upang matugunan ang kanilang pangangailangan.