-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Pinaniniwalaang biktima lamang ng mistaken identity ang isang mentally challenged na indibidwal matapos mapatay ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring motornapping incident sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ito ang paniniwala ng mga kaanak at pamilya ng biktimang si Jeffrey Lopez matapos umanong mapatay ng mga otoridad sa Brgy. Pagalungan sa nasabing bayan.
Ayon kay Stephany Lopez, kapatid ng biktima sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, hindi umano kayang gawin ng kaniyang kapatid na humawak ng baril o magmaneho man lang ng motorsiklo.
Samantala, bukas naman si South Cotabato police provincial director Col. Jemuel Siason sa imbestigasyon ng kaso at nakahandang tulungan ang mga kaanak ng biktima.