-- Advertisements --
Catriona with parents
Catriona with Parents

LEGAZPI CITY – Makabuluhan at heartfelt ang naging mensahe ng mentor ni Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray para sa nalalabing ilang buwan na reign ng Bicolana beauty queen.

Sa pagtatanong ng Bombo Radyo Legazpi kay Carlos Buendia, creator ng popular na lava walk at slow-mo twirl ni Catriona, nagpayo ito sa queen huwag magbabago kahit pa ipapasa na sa iba ang titulo.

Kumpiyansa na man itong makikita pa rin ang pagiging totoong queen ni Catriona kahit pa wala nang korona lalo na at malaki ang puso ng 25-year old Miss Universe para sa mga nangangailangan.

Umaasa rin si Buendia na marami ang natutunan ng mga tao kay Catriona lalo na sa pagiging mapagbigay nito sa kapwa.

Nagtungo sa lungsod ng Legazpi si Buendia para sa pag-mentor ng special training session sa Catwalk and Stage Performance ng mga kabataan na Bicolano na pageant at modelling enthusiasts.