-- Advertisements --

Nagsanib pwersa ngayon ang Bureau of Fire Protection at Manila Electric Company para mapalakas ang kampanya kontra sunog.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Sa ilalim ng kampanyang ito ay pinaalalahanan ng BFP at MERALCO ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng kuryente upang makaiwas sa sunog.

Sa isang pahayag ay sinabi ni MERALCO Vice President at Spokesperson Joe Zaldarriaga, mas mainam na laging tatandaan ng mga konsyumer ang ligtas na paggamit ng kuryente.

Ito ay kahit papalapit pa lamang ang panahon ng tag-init sa bansa.

Karaniwan aniyang pinagmumulan ng sunog ay mga naiwang appliances , sirang electrical wiring at overloaded na mga saksakan.

Para makaiwas sa insidente ng sunog ay tiyaking alisin ang mga nakasaksak na appliances kung hindi ginagamit at iwasan octopus connection sa mga saksakan.