Inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na binuksan na nito ang bidding para sa 1,200 megawatts (MW) baseload requirement sa pamamagitan ng 15-year Power Supply Agreement/s (PSA/s).
Nauna rito, naglabas ang Department of Energy (DOE) ng Certificate of Conformity on the Terms of Reference (TOR) para sa 15-year power supply agreement, na magkakabisa kapag naaprubahan ng Energy Regulatory Commission.
Nanawagan ang distribution utility sa mga interesadong kumpanya ng power generation na lumahok sa Competitive Selection Process (CSP), na may deadline para sa Submission of Expression on Interest sa Dis. 11, 2023.
Ang pre-bid conference ay gaganapin sa Dis.18, 2023, habang ang deadline sa Pagsusumite ng Bid ay sa Enero 23, 2024.
Ayon sa Meralco, ang competetive selection process , na batay sa Inaprubahan ng DOE na Power Supply Procurement Plan ng Meralco, ay nilayon upang matugunan ang mga kinakailangan sa kapasidad ng pamamahagi ng kuryente sa hinaharap, kabilang ang 1,000 MW power supply.
Alinsunod sa payo ng DOE sa pagsasagawa ng hakbanh, lubos na hinihikayat ng Meralco ang mga power supplier na may natural-gas fired power plants na sumali sa bidding.
Sa ilalim ng Terms of reference , ang mga operasyon para sa paunang 800 MW ay magsisimula sa Disyembre 26, 2023, na susundan ng karagdagang 200 MW sa Peb. 26, 2024 at 190 MW sa Marso 26, 2024.
Magsasagawa ng naturang bidding ang Meralco upang matiyak ang patuloy na pagkakaroon ng sapat at maaasahang supply para sa mga customer sa loob ng mga franchise area nito.