Pasok na sa finals ng PBA Philippine Cup ang Meralco Bolts matapos talunin ang Barangay Ginebra 78-69.
Dominado ng Bolts ang laro sa Game 7 sa laro na ginanap sa San Jose, Batangas.
Ito na ang pang-limang PBA Finals appearance ng Bolts at ang unang panalo sa Game 7.
Hawak pa ng Ginebra ang kalamangan 28-17 sa second quarter hanggang mabaligtad ito ng Bolts 36-31 advantage.
Sa last quarter ay nailayo na ng Bolts ang kalamangan kung saan umabot pa sa 16 points na 74-58.
Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Banchero na mayroong 24 points, anim na rebounds, isang assists at isang steal habang mayroong 20 points, anim na assists at dalawang rebounds si Chris Newsome.
Nasayang naman ang nagawang 20 points, 10 rebounds at anim na assists ni Scottie Thompson at 16 points, walong rebounds at apat na assists si Christian Stanhardinger para sa Barangay Ginebra.
Magugunitang hawak ng Barangay Ginebra ang 3-2 na bentahe sa serye hanggang makuha ng Bolts ang back-to-back na panalo sa semifinals.
Makakaharap ng Bolts ang San Miguel Beermen sa finals na magsisimula sa June 5 sa Araneta Coliseum.