-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin si Meralco Bolts veteran forward Nico Salva sa negatibong reaksyon ito na may matatanggap na P10-milyon reward ang sinumang makagawa ng bakuna laban sa coronavirus.
Nagpost kasi ito sa kaniyang social media na ang nasabing halaga ay hindi makakabili ng bahay.
Agad namang binura ang tweet nito subalit kasunod nito ay nag-sorry siya sa mga nasaktan niya sa kaniyang pahayag.
Paglilinaw nito na talagang kulang ang P10-M na reward at dapat na dagdagan dahil bibihira ang maka-imbento ng bakuna o gamot para sa pagpapagaling sa mga nadapuan ng sakit.