-- Advertisements --
NGCP

Inamin ng Manila Electric Company (Meralco) na tataas pa ang demand sa supply ng kuryente pagpasok ng Mayo, ito’y sa gitna ng magkakasunod na insidente ng pagnipis sa reserba ng enerhiya sa Luzon kamakailan.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga hindi na bago ang mataas na demand sa power supply tuwing Mayo lalo na’t dito inaasahan ang pagpalo ng mas mainit na temperatura.

Kaya ngayon malaking hamon daw para sa kompanya ang tamang alokasyon ng kuryente sa kanilang mga customer.

“We plan around this time to ensure adequate and reliable distribution service to our customers,” ani Zaldarriaga.

“At the same time, we reiterate our appeal to our customers, both households and businesses, to be extra mindful of their use of electricity and make the efficient use of power a way of life.”

Nauna ng inamin ng Meralco na posibleng tumaas ang singil sa kuryente sa Mayo dahil sa mga insidente ng power shutdown kamakailan.

Tiniyak naman ng Department of Energy na may sapat na reserba ng kuryente sa araw ng eleksyon.