-- Advertisements --

Umalma ang pamunuan ng Meralco sa naging privelege speech ni Representative Dan Fernandez na sinasabing kontrolado nito ang 70% electricity dito sa Luzon.

Ayon kay Meralco’s Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, nais nilang linawin ang ilang factual errors sa naging pahayag ng mambabatas na nababalot ng mga inconsistencies.

Sinabi ni Zaldarriaga hindi kontrolado ng Meralco ang electricity dito sa Luzon.

Sa lugar na sakop ng Meralco, 90% ng pang-industriya na pagkonsumo at 1/3 ng komersyal na pagkonsumo ay ibinibigay sa mga competitive retailer.

Dagdag pa ni Zaldarriag na hindi nila sakop ang buong Calabarzon region at hawak ito ng ibat ibang Electric Cooperatives.

Hindi rin nila kontrol ang Pampanga subalit may ilang mga barangay na kanilang pinagsisilbihan.

Pinasinungalingan din ni Zaldarriaga na nasa 60% ang Gross Domestic Product (GDP) sa The National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority na ang GDP ng NCR ay nasa 32% ng kabuuang GDP ng Pilipinas.

Sa rate of return na binanggit ni Cong. Fernandez, ang nasabing return ay hindi tinutukoy ang distribution utilities kundi ang regulator.

Paglilinaw pa ng opisyal na wala rin silang kapangyarihan para matukoy ang Weighted Average Cost of Capital (WACC) dahil ito ay isang regulatory function.

Siniguro ni Zaldarriaga na ang Meralco ay ganap na sumusunod sa lahat ng mga regulasyon ng gobyerno at nalampasan pa ang antas ng serbisyong kinakailangan ng regulator.

Wala itong record ng anumang anti-competitive na pag-uugali o pag-abuso sa kapangyarihan sa merkado at ang tanging distribution utility na sumunod sa direktiba ng ERC na i-refund ang mga singil sa pamamahagi sa pamamagitan ng pag-refund ng higit sa P48 Bilyong piso noong 2023.

” Meralco has always capitalized on economies of scale to ensure that it can get the lowest generation cost from its power supplies,” pahayag ni Zaldarriaga.