Magkakaroon ng dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril matapos i-anunsyo ng Meralco ang pagtaas ng kuryente sa P0.72 kada kilowatt-hour (kWh) dahil sa mas mataas na generation at transmission charges.
Hindi sapat ang P0.20/kWh refund ng kumpanya para mapantayan ang pagtaas, kaya’t asahang tataas ang kabuuang bayarin ng mga konsumer:
Consumption Increase
200 kWh –––––– P145 dagdag
300 kWh –––––– P216 dagdag
400 kWh –––––– P288 dagdag
500 kWh –––––– P360 dagdag
Ayon pa sa Meralco, tumaas ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng P3.4205/kWh dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon noong Marso, 2025.
Tumaas din ang singil mula sa power supply agreements (PSAs) ng P0.2811/kWh, habang ang transmission charge ay nadagdagan ng P0.0809/kWh dahil sa mas mataas na ancillary service charges mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Pinayuhan ng Meralco ang mga konsumer nitong magtipid sa paggamit ng kuryente.