-- Advertisements --

Asahan ng mga customer ng Manila Electric Company (Meralco) ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Ito ay matapos na taasan ng power distributor ang household rate dahil sa mas mataas na generation charges mula sa manipis na suplay.

Sa abiso na inilabas ngayong araw, sinabi ng Meralco na tinaasan ang rate ng 64.36 centavos kada kilowatt-hour (kWh) kayat ang kabuuang household rate ay nasa P12.075 per kWh ngayong Hunyo mula sa P11.4139 per kWh noong Mayo.

Ang umento sa singil sa kuryente ay katumbas ng P129 na pagtaas sa kabuuang bill sa kuryente ng isang typical customer na komokonsumo ng 200 kWh.