Nagpaalalang muli ang pamunuan ng Manila Electric Company sa publiko hinggil sa tamang pagtitipid ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.
Ginawa ng kumpanya ang pahayag, kasunod ng naging ulat ng state weather na nagpapatuloy ang paghina ng hanging amihan.
Sinabi ng ahensya na ito ay magdudulot ng maalinsangan at mainit na temperatura sa mga susunod na araw kayat possible aniyang tumaas ang konsumo sa kuryente.
Ayon sa power distributor, tuwing ganitong panahon ng tag-init ay kadalasang tumataas ang konsumo ng isang tahanan sa 10 hanggang hanggang 40 porsyento.
Para, maiwasan ang paglobo ng bayarin ngayong tag-init, alisin sa pagkaka saksak ang mga appliances kapag hindi ginagamit.
Makatutulong rin ang maramihang pa mamalantsa ng mga damit sa halip na paisa-isa.
Payo rin ng power distributor na regular na linisin ang air conditioner filters gayundin ng elisi ng mga electric fan.