Ngayon pa lang ay nag-abiso na ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga lugar na sine-serbisyuhan nito hinggil sa inaasahang black out na mararanasan ngayong linggo ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Ayon sa Meralco, dulot ito ng kanilang scheduled maintenance program kung saan ilan sa mga poste at kable ng kuryente ang nakatakdang palitan.
Kabilang sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng power interruption sa Metro Manila ang ilang bahagi ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Maynila, San Juan, Quezon City, Parañaque, Taguig, Pasay at Valenzuela.
Apektado rin ng scheduled maintenance ang ilang bahagi ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Magsisimula ang power interruptions bukas April 23, hanggang April 28, araw ng Linggo.
Nauna ng tiniyak ng Department of Energy (DOE) na balik normal na ang reserba ng kuryente sa Luzon Grid matapos maayos ang aberya sa mga plantang pumalya kamakaialan.