Binalaan ng Manila Electric Company o Meralco ang publiko hinggil sa mga kumakalat na mensahe na nagpapakilalang nanggaling umano sa kanilang opisyal na SMS channel.
Ayon sa kumpanya, ang kumakalat na text message ay peke at naglalaman rin ito ng pekeng link.
Ayon sa Meralco, huwag pintudin o biistahin ang link na ito dahil maaaring makumpurmiso ang inyong personal na datos.
Kung maaalala, naalarma ang ilang customer ng Meralco dahil sa mga natanggap nilang mensahe na naglalaman ng external link.
Kaugnay nito ay ipinag-utos ng kumpanya na iblock ang naturang link.
Humiling na rin ng tulong ang kumpanya sa mga awtoridad para maimbestigahan ang naturang usapin.
Pinaalalahanan naman nito ang kanilang mga customer na maging mapanuri para makaiwas at hindi mabiktima ng scam.